Martes, Mayo 31, 2011

People support the 6 months experience( A guide for future call center agents)

People support: the call center experience ( part I)
Fresh graduate ako noon. AB philosophy ang kinuha ko eh tapos sympre gaya sa karamihan  ng grumagraduate confident at hopeful. Saint Louis University, Baguio ako nangaling at dahil nga sanay na ako sa mga pasikot sikot ng SLU, hindi na ako nahirapang mag aaply sa People Support Baguio, located sa likod ng SM.
naalala ko nakita ko advertisement nila sa Midland COurier eh, meron pa ngang smiley. well, sympre dahil isa ako sa mga hindi naturuan sa college kung paano magtayo ng negosyo at kumita ng sariling pera..naconvince akong nasa call center ang aking kapalaran. Sympre naisip ko din na mag teacher sa college, kaso 21 lang kasi ako nun eh, hindi pa ako sigurado na may sense ako kausap sa college, saka kagragraduate ko lang alangang school setting ako agad pupunta. So ayun na nga isang araw napagdesisyunan kong mag apply sa call center, sa people support ang napili ko kasi malapit lang, hindi kagaya ng SItel, ubos agad ang sweldo mo sa layo, sa Loakan pa kasi yun.

Requirements:
I.D, sangkatutak na I.D at hindi student ID. dapat kung mag aaply ka, handa ka na magkarun ng SSS I.D, postal I.D,. BIR ID, ewan ko lang kung anong iniisip ng mga kumpanyang ito, fresh graduate nga kami eh hindi namin alam mga yan, pero ngayong alam mo na, maghanda ka na ng atleast 300 pesos para sa Postal I.D mo, kailangan mo ng barangay clearance at cedula para makakuha ng Postal I.D , tapos syempre 2x2 picture saka pamasahe papunta sa postal office.
maghanda langn ng extra na 200 just in case ipilit nilang may service fee na malaki ang barangay clearance, naloko ako dati eh sa Barangay Pacdal 100 peso ang sinigil sa akin ni kapitan, alangya 20 lang pala  ang barangay clearance hayop. well 300-500 kasi magkakalayo ang mga lugar, mamamasahe ka at kung bago ka sa baguio malamang mapapataxi ka, kaya ayan I.D pa lang maghanda ka na ng 500/.
bakit mo kailangan ng ID? para pansinin ka ng Guard sa People Support at papasukin ka para mag aaply. Remember maghanda ka na din ng resume

Resume tip: wag gawing masyadong mahaba o magkwento ng kung ano ano, be definite, precise, yung eskwelahan, information,tapos isang standard motto ng buhay mo at skills na related sa trabaho mo. wag na yung kung ano anong arte. saka be sure to create atleast 4 copies ng resume mo at long dapat. maghanda ka na din ng ballpen dapat at sympre magsuot ng medyo disenteng attire, wag naman yung over the top, call center lang yun di mo kailangan magmukhang doctor, pag disente, meaning walang nakikitang cleavage sa babae at sa lalaki pantalon at hindi shorts.

at siguraduhin mo na hindi ka nursing graduate dahil take note: hindi sila tumatangap ng nursing: bakit? dahil siguardo sila na the moment na makakuha ka ng nursing job abroad biglang mawawala ang kontrata mo...


...ipagpapatuloy ko ito sa next blog...manunuod muna ako ng sabrina at magmemeditate hahahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento